wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Monday, March 31, 2008

Ito na...

A fraction of the 4,988-word na chronicle that I'm supposed to give you... ginawa ko nalang 152 words...

I have my reasons...


Mababasa sana ang 22 pages na mga posts tungkol sayo pati isa ring pagbabalik tanaw sa mga samahan pati ang mga nilalaman ng mga iyon na talagang kinatuwaan natin... mga pahina na di mo mababasa...


pagkatapos...

ito...


... saya pala noh, baka yun na yung dahilan kung bakit kita nagustuhan… ang masayang samahan na nasobrahan ako sa pagkasaya!


Mababasa sana ang ilang phrases tungkol sa pagpapaalam at sa pagtingin sa hinaharap... mga phrases na muli, di mo na mababasa...


pagkatapos...

ito...


Sana maging masaya na tayo lahat…

Ay teka... masaya ka na pala… badtrip bitter ako, hehehe!


Ganito nalang....


Sana humaba na talaga ang kasiyahan mo... sa kanya...

Na kahit masakit at mahirap minsan, ang makasama siya ay isang bagay na di mo kailanman pagsisisihan… Dahil isa kayong magkabiyak na magkaiba ngunit magkatulad, masaya at kayang gumawa ng kasiyahan mula sa kahit anong bagay, magkasama at nagkakaintindihan… Di lang kayo nagmamahalan, magkaibigan din kayo…

at basta lumalaki ang relasyon ninyo ng masaya, at may bagong natututunan mula sa isa’t isa, walang makakapaghiwalay sainyo… walang wala…


Ok na ba yun? Wala nang kapaitan dun ha...


Hahaha...



Sana makakita narin ako ng tulad nun, na ganun din naman din ang turing sakin…


haay…


Cge, Paalam…



So yun...



yun nalang...



ganun nalang...




Makapagkape na nga uli!

Thursday, March 27, 2008

Oh Come on!

Ayusin... dapat ma-settle na ang lahat... baka makalimutan... pag-usapan yan... ayusin natin... dapat ma-settle na lahat... take note... huwag kalimutan... lahat mag-trabaho... ayusin... ayusin... maaga pa ha... pahinga muna... hindi maganda kung settled na ang lahat ngayon palang... isettle, isettle... puke!
- The new discovered side of J-MEE... or the new monster created by J-mee

Nagiging obsessive compulsive na ata ako, but not in a neat- clean-blahblah way ha, ay gudluck naman kung ganun. Let's just say I've been too keen on things lately, and i just can't stop it...

Masyado na kong contained sa ADship ko grabe, hahahaha! Pero don’t get me wrong, hindi naman ako absorbed at lunon dito, kasi kung ganun, di ko na nagagawa yung ibang trabaho ko sa ibang bagay, well, nakakapag-bum pa naman ako at tambay, hehehe. And I mean, may magagawa ba ko kung nagagawa ko na kaagad ang mga pag-assigned at organize ng tasks ko sa mga tao ng mabilis… hehehe, excited kasi, tsaka sabi nga ni kuya Fadz, addicting ang pag-plaplano ng mga bagay with an OC touch, parang sa bawat detalyeng naiisip mo dapat ma-take note mo siya, tapos ioorganize mo siya, wala dapat makalimutan, hangga’t may butas, dapat ma-puna at matahi.


Damn I just can’t stop it anymore, help!

Saturday, March 22, 2008

Bucket list

I wrote this GOT-TO LIST last December 25, 2005, sige nga at ma-edit..

I got to have a digital camera soon-
well, nagkaroon ako after two months, at nawala after another month hehehe, pero may semi-automatic slr na ko, at nakakahiram naman ako ng digicam sa jowa ng ate ko, hehehe!

I got to have a guitar again- check! Meron na kong pink guitar, hehehe!

I got to get back in shape- goodluck, hahaha! pero di na ko kumakain uli ng kanin!

I got to read a lot of books - well, it's been a while, pero nagbabasa parin naman, di nga lang madami!

I got to learn how to drive - walang oras, pero marunong na ko ng konte mag-start, hahaha!

I go to do a lot of art appreciations- keri lang, nanood naman ako ng plays at films, pati mga workshops, pero more pa sana!

I got to join tomcat- che! ayoko narin, wag na, may AA na ko at PETA, hahaha.

I got to be something in Artistang Artlets- pucha, talagang sinulat ko pala ito! Haha... very well said, ehem! ehem!

I got to take nature trips- parang di ko pa nagagawa ito... pero tamang beach lang at barilan sa kagubatan, keri na ba yun?

I got to learn alibata- di pa, ala pang oras!

I got to learn Chinese and French- hmmm, pag pupunta na ko dun...

I got to preserve my friends- well... it's either i preserve them, or i fall in love with them, hahaha, huhuhuhu...

I got to have a worthy boyfriend- goodluck naman, che! kahit matinong fubu nalang na pwedeng kaibigan at companion, no strings attached, hehehe.

I got to finish my course in Journalism- oh please mystical chenes... sana... please!

I got to go to Graduate school- keri lang, let's see!

I got to stop smoking when the sign comes- di ko pa nakikita, hahaha!

I got to be a good writer- dream on!

I got to be a good broadcaster- sana...

I got to be immersed in the different cultures of the Philippines- well not yet, pero nagsisimula na... some music and dance palang...

I got to go around Asia and Europe- sige, antay lang... hahahaha...

I got to get my family and me to a trip outside the country- I would... pag may pera na...

I got to have a daughter/son- yeah, kahit wala ng asawa leche, pero yung tatay sana matinong ka- buddy ko...

I got be enlightened- yup, this would take some time...


Well, may dadagdag pa ko...


Makapag-turo sa mga bata

Maka-conduct ng workshops

Maka-arte sa PETA major prod

More more workshops

Writing workshops!

Write a play again...

Make a short film...

Makapag-sulat sa diyaryo!

Climb a mountain...

Pahiyas and Vigan!

Makalimutan ang mga hindi pwedeng bagay... chos!

Matutong mag let go at mag-live on...

Maayos ang AA sa 28th season na kasama ako...

muli... jowang matino...

hehehe!

So yun, since malapit na naman ang pasko ng pagkabuhay, pwes isang paraan para iwanan ang nakaraan ay ang balikan muna ito, at mag-plano sa hinaharap, o diba? well let's see, kung may mga ilan na namang natupad sa list ko, at least diba... hahaha... well let's see...

Anyway, sa wakas after 4 days of bumming sa bahay, watchmovies.net, pagiging depress, sa pagiging decided na sa gagawin ko sakanya, sa hindi pagligo, pag imbento ng pasta recipes, at kung anu-ano pa...

makakapag-kape na muli ako, yipee!

So yun, cge! Maliligo na ko...

Advance happy easter everyone!

Wednesday, March 19, 2008


Eto ang unang flash fiction kong ginawa sa talang buhay ko, mga one hour before the deadline ko ata siya ginawa, pero keri lang naman, hehe.

Maganda ang writing exercise na ito... gagawa ka ng storya na composed of less than 200 words lang, tapos dapat may formula pa na may itra-trap kang idea sa mga readers, then punchline sa huli, something like that, same formula ng joke. Ang astig kasi dito, ay dapat maging open ang story mo sa iba't ibang interpretation


Salamat kay eros, eto handog ko sakanya sa pagtatapos ng aming pagsasama... cge enjoy!




SAN SI KULAS?

Malamig ang simoy ng hangin dala ng gabing lumipas, pero tagaktak parin ang pawis ni Mang kulas na tumutulo mula sa kanyang puting buhok hanggang sa kanyang kulubot na balat. Malapit nang sumikat ang araw, marahil bumabagal na talaga siya sa tanda niya at ng kanyang trabaho. Dala ang kupas na pulang sakong naglalaman ng mga materyales na bubuo sa handog niya sa mga batang sana’y mapasaya narin niya, patungo na siya sa huling himlayang kanyang aayusin para sa araw na yun. Di nagtagal ay nakita na rin niya ang dakong kanyang bubungkalin at siya’y napangiti, “Konti nalang, makakapagpahinga narin ako, at ikaw rin bata, mamamayapa ka narin, wala nang makakagulo sayo dito…”

Mapapaginipan kita,


Asa mundo ko ikaw...

Pero unti-unti ka na daw lalayo, hindi na kita mahahabol,

Kahit meron pa kong natitirang mithi na makasama ka dito sakin, mukhang makakampante na kong mas gusto mo talaga dun sa iba…

Unting-unti ka nang mag-lalaho, kasama siya

Kahit huwag ka na sa mundo ko, pero huwag lang sa kanya… pero kung mukhang mas masaya ka na dun… May magagawa pa ba ko?

Unti-unti ka ng mawawala… pero tatamarin narin akong hanapin ka nanaman…

Pagod na rin ako siguro… lalo na pag nasasaktan din ako kasabay ng pagod…


Gigising ako pagkatapos,

Makikita kita, makikita ko kayo, magkikita tayo, ngingiti, magpapanggap, magsasaya…

Hahayaang maramdaman ang saya at ang sana’y manuot na sawa sa pagtingin ko sayo…

Hayaan lang umagos ang mga bagay-bagay, huwag pigilan, hayaan ng lumabas, para lumaya na…

lumayo…

Maglaho…

at Mawala na rin sa wakas ang mga bagay-bagay na yun,

pati rin ang mundo kong ginawa para saatin…


Sana mapaginipan na kita, at magising na rin ako kalaunan…


"Mahal kita"... sabay magmamadaling aapak sa sahig para bumalik na ang mga braincells sa utak at bumalik sa ulirat, di mapakaling tatakbo palabas... hehehe spanglish...


Dahil diyan, matutulog ako…

Thursday, March 13, 2008

si may

may natupad,


may umpisa,

may patapos na,


may saya,

may lungkot,


mainit,

nangngati ako...


meron paring hindi nagbabago,



meron ng unti-unting naglalahong pag-asa,


mahirap parin.... bumabalik kasi uli minsan...

meron talgang hindi maiwanan kaagad...


marami pang takot...

marami pa ang darating...

makakaya ko kaya....




marami pang dapat gawin...

may hindi kailangang gawin...

may kailangang gawin...


may gusto parin akong gawin...

may gusto parin akong mangyari...


matutupad kaya yun?


haay...