Maganda ang writing exercise na ito... gagawa ka ng storya na composed of less than 200 words lang, tapos dapat may formula pa na may itra-trap kang idea sa mga readers, then punchline sa huli, something like that, same formula ng joke. Ang astig kasi dito, ay dapat maging open ang story mo sa iba't ibang interpretation
Salamat kay eros, eto handog ko sakanya sa pagtatapos ng aming pagsasama... cge enjoy!
SAN SI KULAS?
Malamig ang simoy ng hangin dala ng gabing lumipas, pero tagaktak parin ang pawis ni Mang kulas na tumutulo mula sa kanyang puting buhok hanggang sa kanyang kulubot na balat. Malapit nang sumikat ang araw, marahil bumabagal na talaga siya sa tanda niya at ng kanyang trabaho. Dala ang kupas na pulang sakong naglalaman ng mga materyales na bubuo sa handog niya sa mga batang sana’y mapasaya narin niya, patungo na siya sa huling himlayang kanyang aayusin para sa araw na yun. Di nagtagal ay nakita na rin niya ang dakong kanyang bubungkalin at siya’y napangiti, “Konti nalang, makakapagpahinga narin ako, at ikaw rin bata, mamamayapa ka narin, wala nang makakagulo sayo dito…”
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home