UPDATE MUNA:
Masaya ang Creative Musical Theater Workshop...
Apprentice na ko ngayon sa youth group ng PETA, na ang ibig sabihin ay magkaka-workshop ako muli. Kailan? Simula bukas hanggang sa June 1...
Napili rin pala ako ng AA dati pa na sumama sa isang leadership training, excited pa nga ko then eh, kailan magaganap yun? sa May 28 hanggang May 30 lang naman, ibig sabihin ay mag-iinterfere siya sa workshop ko...
NABABALIW NA KO!
Bat pa kasi when it rain, it pours?
Sabay-sabay nga dumarating ang mga biyaya, pero ang masaklap pa dun eh parang kailangan pang mamili... at ang mas masaklap pa dun ay kahit may gusto kang piliin, di mo naman puwedeng iwanan yung isa dahil umaasa ang mga tao na gagawin mo yun, ikaw kasi ang napili sa gawaing yun, tinrabaho mo yun noon para makuha mo, kaya wala ng bawian (Unless na bitawan mo yun, at mawalan ka ng krebilidad bilang normal na tao)!
Hay, ang sakit sa ulo...
So ano na nga ba? Ang risk na maglaho ang PETA dreams ko at pumunta sa Leadership Training na aking prior commitment, na siya rin namang magagamit ko din sa future at sa aking self-preservation, o ang mag-go sa new and fresh sa buhay ko na PETA, at hindi sumipot sa LT, with matching bad name na ko sa mga tao in my incumbent social and working environment, with a twist of social suicide pa...
Siyempre yung unang statement ang pipiliin ko... sad pero ganun eh, masakit pero kailangan i-take ang risk, just have to take responsibility sa aking actions... loko ko kasi eh!
Pero di niyo naman ako masisisi diba?
Haay... sabi ko nga kay gab, may mga bagay siguro na para sakin, at may mga bagay na di rin talaga puwede, pero what matters the most eh sinubukan mo parin...
Shit! Let’s just see what happens next... bahala na si mystical chenes!
Sana this time, walang mawala, walang kailangan piliin, nakaayos lang ang lahat... haay... DREAM ON!
Oo, I'll dream on... sige... hinga na ng malalalim para bukas... HAAAY!