wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Saturday, May 19, 2007

Hindi na puwede na lagi kang suwerte
Na umaayon ang mga cosmos sa mga gusto mo
Na makakalusot ka sa mga problemang pinapasok mo
Maaring hindi ka malas ngayon
Pero maaring huling suwerte na yang dinaranas mo ngayon

Kailangan ng bumawe,
Pagtrabahuhan ang mga tulong na pinagkakaloob sayo
Patunayan na kahit madali mo silang nakuha,
Hindi madaling bawiin sayo ito
Patunayan na karapat-dapat kang makaranas ng kung anong meron ka ngayon

Hindi yata ganun kadali ang mga bagay
At hindi pa natatapos ang mga bagay ng ganun ganun lang

Maaring nakalusot ka ngayon at sinuwerte
Pero may pag-asang magkaleche-leche ang lahat

Kaya umayos kang hungkag ka!
Huwag umasa, mag-trabaho
Plantsahin ang mga pagkakamali at mga maaring maging mali
Huwag ng sumalalay sa mga cosmos, walang nakaka-alam kung kelan uli sila mag-tra-trabaho...

Marahil hindi mo alam ang maaring ihatid ng bukas sayo,
Pero hawak mo ang ngayon... ikaw lang...

Kaya go!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home