wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Sunday, March 29, 2009

Bartender word-vomiting in the rain... or inside a house... a poor man's house?... or in my heart perhaps?... nyak!

Sabi nga ni Regina, Magsismula ito sa pagbaha at matatapos sa pag-ambon…ambon… am… bon… matagal na pag-ambon…

hanggang sa mawawala na…

Magdidilim ang langit…Kukulog…

Akala ko nga tapos na ang pagtulo ng ulan sa butas kong puso, hindi pa pala, babalik din pala kalaunan ang pag-bagsak ng mga tubig sa aking damdamin, at pati narin sa aking ulo… at pucha, dahil sayo parin…

Nilalakihan mo nanaman ang mga binutas mo dating mga parte ng sarili ko na akala ko’y matagal ko nang natapalan…

Pero iba ang sakit ngayon, dahil parang huling hirit na talaga ito, parang wala na kong mahihirit pa, hindi na talaga…

Sa totoo lang, hindi ko nga akalaing di pa tapos ang lahat, pero ngayon, mas masakit ang pakiramdam, di dahil dapat matapos na talaga, dahil wala na talagang dahilan para ipagpatuloy pa… (Ilang beses ko ng nasabi itong linyang ito, pero kahit di naging totoo dati, sasabihin ko uli for the last time para sayo… at dapat lang magiging totoo na siya ngayon)

Dahil mukhang hindi mo na talaga ako kailangan; na sa kahit anong bagay, sa kahit anong problema, na kahit anong relasyon pa gamitin natin, o sa kahit sa anong paraan pa ay talagang... kaya mo na... kaya mo na na wala ako...


Aambon…

Mawawala na ang mga panghihinayang…

Ang mga pag-iisip ng ibang paraan para lang makasama ka

Ang mga tangkang paghihiganti

Ang pakiramdam na kailangan mo ko sa buhay mo kahit na ako talaga ang may kailangan sayo...

Ang pag-asa…


Lalakas ang ambon…

Kailangan ko na nga sigurong hayaan tumulo ang tubig…ang luha… ang sakit na maaring alam mo, pero di mo kailanman maiintindihan...


Uulan…

Sa huling pagkakataon, tatanggapin ko muli ang iyong pagbagsak, Hahayaan kita dumaloy, umalon, at pumasok sakin muli…tatanggalin ko ang mga tapal ng mga butas, hahayaan kong bumuka ang mga ito, bumuka ng bumuka, hanggang sa bumagsak muli sa aking paligid at sarili ang agos mo, hanggang sa masira na ang bubong… rumagasa ka at patuloy mo kong ulanan ng iyong pagiging ikaw…


Lalakas ang ulan

Hanggang tuluyan mo nang sirain na lahat; ang bubong, ang bahay, ang espasyo, lahat ng tinayo at ginawa kong bagay na nakapaligid sayo… para sakin at sayo…

Dahil kapag nasira na nang tuluyan… di na maayos pa…

At kakailanganin ko na maghanap ng bagong ipupundar, itatayo, gagawin, at tatapalan parin pag nasira…

isang bagong himlayan ng aking sarili… para saakin at sa iba, o maaring para sa sarili ko lang talaga…

kung ano man yun, kailangan ko nang sumaya sa iba…

at matatapos sa pag-ambon…ambon… am… bon… matagal na pag-ambon…

Hindi ako sigurado kung kailan, o paano ito matatapos, o kung kakainin ko ba lahat ng sinabi ko, o baka ilang unos pa ang dadating para matapos na ito lahat… pero alam kong…


Konting ambon at ulan pa…

mawawala na…

At lalalaya na tayo…

Lalaya ka na…

Lalaya na ko…



Alas-tres ng umaga, kumukulog, umuulan, malamig, magigising sa kwarto dahil sa pagtulo ng ulan mula sa butas na bubong papatak sa noo… pipikit lang uli at matutulog muli…