wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Friday, February 15, 2008

a prisno que existe

PRISNO
malabong bulwagan ng mga salitang pilit tinutugma


Di ako makagalaw sa pitis ng kanyang mga bisig
Minsa’y ninais kong pumiglas Pero ngayo'y mukhang hindi ko na yata ibig
Nakatali ako sa gapos na siya ang may sadya,
Pero gugustuhin ko pa nga bang kumalas sakanya?


Hawak niya ang aking mga kamay na ayaw niyang bitawan
Di pa nagpaawat at tinali pa ang aming kamay na magkaugnayan
Yakap niya'y sa sobrang higpit ay parang di na ko makahinga
Ayaw niya kong pakawalan, pero gugustuhin ko pa nga ba?

Mahigpit, masikip
Walang agwat na makikita sa bawat anggulo
Magkasama, magkalapit
Wala na akong kawala

Nanghihina na ako sa bawat minuto lumilipas sa kanyang pagbihag,
Na parang pag pinakawalan niya ko ay tila di ko na makakaya
Ako'y nakabilanggo sa kanya, malayo sa kalayaan
Pero bakit parang hindi mabahiran ng lungkot ang di ko mapigilang saya

Sa pagkakulong sa kanya o sa kalayaan ng pag-iisa
Hindi na mawari ang nais mangyari
Kasayahan lang ang aking mithi
Kaya kailangan ba maging malaya para maging masaya?



0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home