Blurry talks on jars
Ang mapaloob sa Bell jar ni Esther ay depressing...
di ko masasabing master ko ang kahulugan ng jar na iyon base sa libro, pero ang alam ko, living inside that jar would give you a sight of the world in a distorted and blurred way, since you are looking through a certain glass thingy nga diba? Pero bakit kaya naging ganun nalang ang pagtingin ni Esther sa mundo, is it because she has become a victim of circumstances, or of herself, leche i don't know!
Ayan naalala ko nanaman si Esther, ang likha ng suicidal writer na si Sylvia Plath. Salamat at nakita ko nanaman siya sa bookshelf, timing talaga at pinaalala nanaman niya kung gaano kalabo ang mundo o maaring kung gaano pinapalabo ng tao ang mundo kahit hindi naman...
Haay...
Masaya ang buhay, masaya...
Am i a victim of circumstances? Di ko naman kasalanan na mapalibutan ng mga bagay na either wala ako, o hindi ko kailanman makukuha ha, biktima nga lang talaga... or maybe what's happening to me is normal lang, and it's just that I'm so involved with myself na binibiktima ko lang ang sarili ko? Baka nga, lecheng mundo ito!
But wait... no! the world is not that chaka, it's just me... maganda at masaya naman ang mundo, maligaya ang mga tao, in fact they are all perky with matching shouts to the world about how their life turned out well amidst all the shitty things that happened before... wohoo! Happy joy joy ang katauhan... grr!
well except sa mga ilan na naiwan paring naka-kulong sa mga bell jar nila...
Haay, Merong naging masaya nanaman at napasama sa mga bakasyunista sa labas ng bell jar, habang kami ay nandito parin, napag-iwanan nanaman...
Puke... sori for being selfish, shit ako...
Damn...
konte nalang ata... mukhang makokontento na akong mag-isa sa buhay ah,
Konte nalang at Mawawala na ang pait at pag-aasim, at wala ng matitira kundi kamanhiran, hanggang apathy nalang...
Ilang tao pa na aalis sa tabi ko, mukhang kakayanin ko na...
Ilan pang mga pag-asa at inspirasyon na lilihis ng landas... tiyak matatauhan na ko...
Masaya ang buhay, masaya...
Ang puno't dulo ng lahat?
"There is something demoralizing about watching two people get more and more crazy about each other, especially when you are the extra person in the room." Sylvia Plath, Bell Jar
Demoralized na ata ako... tuliro kaya? nasa bell jar nga lang talaga siguro...
May makakabasag pa kaya nitong jar na ito? O kahit ilabas lang ako sandali para sa isang bakasyon? O dito nalang ako forever, pagmamasdan ang ibang tao labas-pasok sa mga jars nila, habang ako stuck lang sa bell jar na ito, hanggang sa masuffocate na ko at mawalan ng hininga... nang nag-iisa...
Weird, I'm not mad or angry anymore,
I'm just sad and tired...
Masaya ang buhay, masaya...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home