Para sa mga nawawalan ng pag-asa...
Marami akong pangarap... marami akong gustong gawin... alam kong hindi ko lahat matutupad yun, at lalong hindi ko lahat mailalagay ang mga gusto ko sa isang oportunidad lamang, I could only do so much...
with the people I'm working with na kaiba ko ng pag-iisip, at kaiba rin ng pag-tingin sa bagay na pareho naming pinanghahawakan...
sa tool na binigay sakin para punuan ng aking mga ideya na hindi naman lahat ay magkakasya dun nor babagay dun...
At sa mga taong hindi ako maintindihan, at hindi ko maintindihan...
Ang kaya ko lang gawin ay mag-compromise, sumabay sa agos, ibigay lang ang kaya ko, at ibahagi ang mga kaalaman ko na pwede rin mag-work for them...
kailangan lang namin mag-meet half-way
hindi siguro lahat ng gusto kong gawin ,magagawa ko dito, pero di naman ibig sabihin nun ay di ko na napatunayan ang sarili ko, ginawa ko lang ang tama... ang trabahuhin ang binigay saking oportunidad, at mag-tulungan kasama ang iba ko pang kasama dito, magkompormiso kung kailangan, at magpatuloy lang basta't wala akong inaapakan at walang umaapak sakin...
isa kaming organisasyon, ang pangarap ko'y hindi para sakin lamang... ito'y para sa kabubuti dapat ng lahat...
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home