wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Sunday, January 13, 2008

Gutom

Maaring ganun na nga lang...


Humugot sa kawalan at manatili sa mundo ng ilusyon,
Paniwalain ang sarili na realidad ang iyong pinanghahawakan

Kailangan mo yon...

Managinip,

Sige makakasama mo na siya, malalaman mo na rin sa wakas ang sagot sa mga tanong mo, makukuha mo na ang mga gusto mo... makikita mo na... magiging masaya ka na...


Sige at mahibang ka lang sa mundong iyon, walang masama...
Huwag ka nga lang maging kawala paglabas mo sa mundong iyon...

Alam mo kung gaano kasakit ang katotohanan...
Alam mo kung gaano kalungkot...

Haay...

Kaya sige, maglaro ka lang sa kaisipan na hibang…
Huwag hayaang makawala ang tanging meron ka
Hawakan mo ng mahigpit, damdamin ito sa iyong sarili...
sarili lamang...

Kailangan mo yon… kailangan...


Ang mundo ng ilusyon na tanging bumubuhay sa iyo ngayon sa iyong pagkukulang at pag-iisa...



Para sa aking tiyan,
Salamat sa tiyan kong susubukin kong hindi pansinin sa realidad, pero pipilitin ko ko nalang punuan sa ilusyon...
Huwag kang mag-alala, mabubusog pa rin ako sa paborito nating mundo, pipilitin kong mabusog ang aking sarili kahit sa katuliruan lang...

Isa ka talagang inspirasyon...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home