wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Monday, June 05, 2006

KAHATI

Mga lalakeng nag-bigay sakin ng kaunting ligaya sa mga nakaw na saglit, Mga lalakeng hindi maaring maging akin, dahil kailanman ay walang pag-ibig na mag-uugnay...


Mga oras ay ibinahagi para sa pakiramdam na lahat kami ay nag-aasam, makaraos lamang habang hindi pa lumalapit ang matagal na hinahangad na kahati. Mga oras na yun, siya ring mga ala-ala, mga ala-alang kahati ko ang bawat isa sa kanila, Mga ala-alang walang kinabukasan.

Mga kahati ko sa sandali, siya ring kahati sa isang pagkakawangki, pagkakatulad na hindi ko maatim na maisip. O bakit ba kailangan ako pa ang hinirang ng kapalaaran na malasap ang ganitong pangyayari , para lang makaranas ng panandaliang ligaya.

Mga lalakeng aking nakasama sa mga nakaw na saglit, ang mga nag-patikim sakin ng ligaya. Mga kahati sa inumit na sandali, walang kabuluhan, walang patutunguhan, hindi maari. Kailanman ay hindi ako iibig sa kanila, pero kailangan ba talaga na ang mga lalakeng ito ay may mga puso na tila nananabik din sa kapwa nilang lalake?

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home