wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Friday, May 19, 2006

A PROBABLE BOULDER IN THE LIVER (REVISED)

"We suffer, not to succumb, but to survive."- TWM . . . have ot keep that in mind!

I
just had a stick of yosi and a 20-peso worth of chuckie chocolate milk, Oo tama! chuckie nalang ang tinotoma ko ngayon at hindi na alcohol, at alam kong mabibitin ako sa isang stick ng yosi pero nagyosi parin ako(kaysa wla akong mahithit diba?).

Yosi at Chuckie, ang mga nakasama ko sa aking pag-iisa sa likod ng aming bahay kani-kanina, ang mga elemento na magbibigay sakin ng panandaliang tama at limot.

I was told by my doctor to quit smoking(malamang, alam mo namang sabihin niya na pagpatuloy ko!), and to avoid drinking as well(hanggat sa maari). Wala pa naman akong bronchitis or anyhting, Ok pa naman daw ang baga ko at sa 30's pa daw baka maghihiganti ang katawan ko, pero ang atay ko ay mukhang uma-advance na.

I had some of my blood sucked out from my body again to check if I have hepa or something, I 'm not so sure, basta about sa liver, bat naman kasi ang poga ng sulat ng mga doktor eh, hindi ko tuloy mabasa yung pinagsusulat niya. Ganito kasi nangyari...

Chever... chever... chever

Dok:(Tinitignan ang results ko)Umiinom ka ba?
Me: Opo
Dok: How often?
Me: Ahm, pag may inuman?
Dok: Gaano kadalas?
Me: Atleast once a month po siguro...
Dok: Bawasan yan ah
Me: Ok(Cheka!)
Dok: Na-vaccinate ka na ba sa hepa?
Me: Di ko po maalala eh.

Si dok ay kumuha ng white na papel at may sinulat dito

Dok:(Binigay sakin ang papel) Bigay mo ito dun sa babae sa front desk at balik ka ng friday next week para matignan ko ang results
Me:Ano pong gagawin?

Si Dok ay kumuha nanaman ng papel, blue naman ang kulay, at may sinulat uli

Dok: (Binigay sakin ang papel)Oh pabili mo ito, take mo ito three times a day for a month, supplement ng liver yan
Me: Ahm...
Dok: Sige kita nalang tayo next week!

Ako ay pumunta na ng front desk at binigay ang white na papel

Chever... chever... chever

Girl sa front desk: Sige punta ka nalang ng laboratory at kukunan ka ng dugo!


So ganun, Ok naman ang process ng pag kuha ng dugo sakin, cute ung med tech eh, alam niyang cute siya kaya mas pacute siya, lahat yata ng patients niya nilalandi niya, at isa na ko dun (feeling ko).


Totoo pla yung mga sinasabi ng mga tao na it really feels odd pag nalaman mo na pwedeng may sakit ka, na parang feeling mo end of the world, na worried ka na baka you can't do the things that you usually do anymore. I know I'm not yet sure if I'm really ill, but the thought of it makes me depress (malamang).

Oh well, let's just wait for the results...



P.S. Since everything is starting to get scary and all, I'm now determined to quit smoking. My plan is paisa-isang stick muna, hanggang sa tuwing inuman nalang, hanggang sa super rare situations nalang. And sa inuman naman, super dalang talaga muna, J-mee the malaking kaha will be absent at minor drinking sessions until furhter notice. O diba, super!


Just when the sun is trying to rise after a long darkness
Here come the clouds again
Overshadowing every iluminated surface
Until all that is left is just a single hope
for brightness to return again

1 Comments:

Blogger ehjiboi said...

iha, tigilan mo na kasi yan. gayahin mo ko.

sabay tayong pumanata na hindi na iinom (gaano) at mag-iismoke (often).

goodluck. ΓΌ

Thursday, May 25, 2006  

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home