wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Monday, June 05, 2006

Exaggerated na Hininakit ng isang vain na lechon

Wag pansisin ang post na ito, kelangan ko lang ito ilabas!

Dahil sa insidenteng ito, naging least of my problems na ang back-stabbing problem ko at ang accusation sakin na bitter ako... hehe, wala lang!

Badtrip ang sunburn na ito...

I spend the whole day outdoors(Shit, ngayon ko lang napag-tanto na buong araw pla ako sa labas) without thinking na mamumula ako ng ganito... hindi naman sobrang sunog, sobra lang talaga ang diperensiya ng lower arms ko na laging exposed, sa upper part ng braso ko kung saan laging cover ng sleeves ng shirt ko. Malaki na nga ang braso ko, naging-lechon pa talaga ang itsura niya ngayon, nakaka-asar.

Oo nainitan ako kanina, pero hindi ko naman naramdaman ang penetration ng araw sa skin ko. Kaya pala sabi nila ang pula ng mukha ko, akala ko high blood lang. Sayang at nagpa-tan pa naman ko sa puerto para pantay ang kulay ng aking buong braso, wala rin plang kuwenta, grrr tlga!

Traydor ang araw ngayon,
sana katulad nalang siya ng dati
pinaparamdam agad sakin ang sakit at init dulot ng kanyang maapoy na pwersa,
pinapasilaw agad ako sa lakas ng liwanag ng kanyang mga sinag,
Tinraydor niya ko
Isa siyang Traydor... TRAYDOR!

So ngayon, biglang humapdi na ang aking balat sa elbow pababa, pati ang aking mukhang madungis at kulay lechon.

FYI: Wag niyong sabihin na swerte ako at namumula lang ako, at hindi halata dahil maputi ako. Excuse me, umiitim din ang mga mapuputi, at since mataba ako, mahirap magpantay ng kulay ng katawan.... WAAAAAAAAAAAAAAAH!


Uber landi this bobo orc ah!


Sige maliligo na ko, baka libag lang ito na mapula...


yuck sabi ni mama, mag-placenta soap daw ako...

hmmm...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home