Isang gabi habang pauwi galing sa tindahan
Gumagapang ang anino sa daan, kasing bilis ng isang taong matabang nag-lalakad. Ang anino ay napatigil, napalingon sa kanyang likod, napatingala at nakita ang taong nagmamay-ari sa kanya...
Sa gabi't gabi ng aking buhay, Naging sagabal ang aking anino sa paglalakad ko sa daan, sa daan na puno ng lubak at mga putik na dumdikit sa aking mga binti, sa kalyeng madilim na may kaunting liwanag na ang tulong lamang ay ang makagawa ng aninong nanlilinlang na tinatatabunan niya ang mga butas, lubak, at putik ng daan, nag-papaisip na maayos ang daan kahit hindi naman talaga.
Malalaman lang ang iyong katangahan pag humakbang ka na
Sa aninong parang tinatakpan ang mga butas, lubak, at putik ng daan
Sa sarili na siya lamang ang lumilinlang at sumasagabl sa kanyang sarili
Papunta sa daan patungo sa maliwanag na paroroonan...
Pero meron nga ba talagang kaliwanagan ang lahat ng ito?
Magulo talaga, pucha yang aninong yan!
0 Comments:
Post a Comment
Subscribe to Post Comments [Atom]
<< Home