wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Wednesday, March 28, 2007

Ka- DIARYhan

Dear Diary,

Punyetang virus yan at kinain lahat ng files ko...

Lahat ng mga sinulat ko at ginawa kong kalandian, simula nung teeny bopper ako at poser hanggang sa feelingerong mature na ako at poser parin, ay wala na, nilamon na ng virus na yan na walang magawa sa buhay kungdi pakielamanan ang mga taong wala na mang ginagawa sa kanila... nananahimik tapos biglang gagambalain, mang-iiwan pa ng pakiramdam na talagang nakakasabaw sa utak, grrr(Virus parin ba tinutukoy ko?)!

Wala pa akong maramdaman, baka mararamdaman ko palang ang sakit ng pagkawala makalipas ng ilang panahon pa... pag hinahanap ko na siguro siya, pag napapansin ko nang may kakaiba na sa mga bagay na nakasanayan ko... yun na yun siguro... pucha talaga!

At ngayon, matapos ang mga viruses at mga pantasyang dissapointing, magkikita kami mamaya ng unang nag may-ari ng dissapointing na pantasya, hindi ko na alam kung anong mangyayari, pero siguradong kailangan kong buksan ang aking baol para humanap ng maskara...

pero till then...

Makikinig muna ako ng mga 80's music na nagbibigay ilusyon na nasa ibang panahon ako, at na pwede kong takasan ang mga nangyayari sakin ngayon...


To the virus who slaughtered my precious works of art,

To The dissapointing fantasy, and to the person who fisrt owned him

To Ming-ming, our buraot pussy cat who just experienced a bloodbath thanks to Dogo and Camry

May you all rest into pieces...

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home