wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Sunday, April 22, 2007

CURACHA

It has been a heavenly hell week for me! Nakakapagod pero go lang ako ng go!

SCHEDULE tuwing weekdays

8:30AM
Gising sa umaga

9:30AM
Alis ng bahay

11:00AM
Dating ng school, start ng classes

3:00PM
Tapos ng class

3:10-4:45 PM
Lunch, tambay, and all that jazz

5:00PM
Punta na ng PETA

5:30PM
Dating sa PETA

6:00PM-10:00PM
PETA Workshop

12:00AM
Dating bahay (Pwede pang maging late yan due to cirumstances like eating out or tambay with PETA people o with other friends)

8:30AM
Gising sa umaga

So on and so forth... wohoo!

Buhay pa naman ako sa awa ng mystical chenes, may mga gising sa umaga na gusto ko ng sumuko sa pagod, pero hindi! Dahil masaya naman ako, busy pero sobra sa ok pare! Ok ang performance ko sa iskwelahan at ok din naman ako sa aking edukasyon sa teatro!

Masaya ang PETA workshop, iba-iba ang aming mga pinanggalingan pero nag-jajive kaming lahat; mapa sosyal pa yan, probinsiyano, modelo, corporate people, seminarista, mahilig sa theatre, sabog ang boses o mga anghel ang tinig, first-timers, o mga sariwang bata, ay talaga namang lahat ay mga balahura at open for new possibilites na sama-sama naming aakapin. Sa 5 days naming pagsasama ay may bonding na, pero alam kong marami pang oras para maipakita ang aming mga tunay na kulay, pero sana naman ay maging ok ang lahat!

Nakakatuwa dahil the workshop becomes a venue for us to unleash our capabilities na meron pala kami... sobrang laking pasasalamat ko talaga sa mga classmates ko sa worksSop at sa aming mga facilitators na sobrang ayos ang learning experience na ito!

Wish ko lang pumayat ako sa ka-busyhan na ginagawa ko ngayon...

Ay may quiz pala ako bukas, cge at yun lang!

Kailangan ko ng huminga ng malalim para sa panibagong linggong paparating!

Wohoo!

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home