wOrDs fROm ThE SoMnAmBuList

Sunday, April 16, 2006

GABI

Ilang oras ng binubuhos ang panahon
Sa mga hindi totoong pakiramdam
Para mai-ahon ang sarili sa kalungkutan
Dulot ng pag-iisa

Ilang madaling-araw narin ang aking nilagi
Nag-iisang inaantay ang bukang liwayway
Nangangarap na makasama ka
Hanggang sa pag-lubog ng araw

Buong araw nang nag-aantay
Sa bagay na maaring di kailanman makikita
Buong araw ng nag-aantay
Sa pag-ibig na maaring di kailanman makikita

Ilang oras nalang ang nalalabi
para sa isang panibagong umaga
na maaring hindi nanaman kita makita
Makikita pa rin kaya kita

Ayoko na... Ayoko na... Ayoko na... Ayoko na...

Buong araw nang nag-aantay
Sa bagay na maaring di kailanman makikita
Buong araw ng nag-aantay
Sa pag-ibig na maaring di kailanman makikita

Hindi kailangan mag-antay,hindi kailangan magkunwari
Wala rin kwentang pilitin ang sarili sa kasinungalingan para makaraos
ako'y haharap na sa bagong umaga
Kapiling ka man o hindi

0 Comments:

Post a Comment

Subscribe to Post Comments [Atom]

<< Home